ASCOT | Feature

Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ASCOTians!

Nakasama natin ang Direktor ng ASCOT-SWK o Sentro ng Wika at Kultura na si Gng. Glenda M. Nad-Gines sa ating programang ASCOT ‘TO (Todo-Todo) ngayong umaga sa 92.1 FM RTV Baler!

Sa ating Episode 37, na pinamagatang “Wikang Filipino: SWaK sa Pagtuklas at Paglikha,” ibinahagi ni Gng. Gines ang iba’t-ibang impormasyon tungkol sa opisinang SWK kabilang ang mga layunin nito, mga programa, at maging ang pinagmulan nito.

Ibinahagi rin ni Gng. Gines ang mga pagbabago sa mga nagdaang selebrasyon ng mga Buwan ng Wika sa ASCOT sa mga nakalipas na panahon. May mga nangyayaring pagkakaiba man, lalo na ngayong panahon ng “Bagong Normal,” binigyang diin niya na hindi pa rin naiba ang pangunahing layunin ng nasabing pagdiriwang na mapagyaman pa lalo at mapanatiling buhay sa puso at isip ng bawat ASCOTian ang wikang Filipino at mga wikang katutubo.

Nalaman din natin kung ano-ano ang mga inihandang gawain at patimpalak ng SWK para sa pagdiriwang natin ngayong taon kabilang ang mga mekaniks nito. Dagdag pa sa kaniyang binanggit ang serye ng mga webinar na kanilang isinasagawa ukol sa wika.

#ASCOTTodoTodo