Iginawad ang pagkilala ng Komisyon sa Wikang Filipino sa mga yunit ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) na mayroon sa Pilipinas. Mula sa mahigit na apatnapung (40) SWK na myembro, isa ang ASCOT sa limang (5) nakatanggap ng parangal kabilang ang Catanduanes State University, Sorsogon State University, Quirino State University, at University of San Carlos nitong nakaraang 25 Agosto sa Grand Ballroom, Hotel Lucky Chinatown,Binondo Maynila.
Ito ay natatanging pagkilala sa kahusayan sa pagsasagawa ng mga proyekto, programang pangwika at pangkultural gayundin pagsuporta sa mga adhikain ng Komisyon sa Wikang Filipino. Pasasalamat ang ipinapaabot ni Direktor Gines sa administrasyon ng ASCOT dahil sa hindi matatawarang pagsuporta sa SWK mula pa noong 2009.
“Ang parangal na ito ay iniaalay sa mga taong nasa likod ng bawat aktibidad ng SWK, lalo na sa mga indibidwal na patuloy na nagpapahalaga, kumakalinga at nagsusulong ng sariling atin.” (Gines, 2023)
Kasama sa larawan sina Asso. Prop. Angelica Gines, isa sa mga katuwang sa SWK, Carmelita C. Abdurahman, PhD Komisyoner, Programa at Proyekto at si Minda Blanca L. Limbo Linguistics Specialist at Tagapamahala SWK.
#ascot
#WikangPambansa2023
#SelyongKahusayan