Mga Lakan At Lakambini 2015
Mga Lakan At Lakambini 2015
Makulay at masaya ang palatuntunan na isinagawa noong ika-18 ng Agosto 2015 kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino 2015 na idinaos sa ASCOT Himnasyum. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral, mga guro at bisita suot ang kanilang makukulay at malilikhaing Kasuotang Pilipino.

Hinirang bilang Lakan at Lakambini 2015 sina G. Arjay Oblino at Gng. Annie Capin, mga guro mula sa Departamento ng Pangkalahatang Edukasyon at Industriya at Teknolohiyan para sa kanilang mayuming kaanyuan, tindig, tikas at mahusay na pagdadala ng kanilang kasuotan at sarili.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon ay nagtampok ng temang, Filipino Wika ng Pambansang Kaunlaran. Ito ay mahusay na inilahad ng panauhing tagapagsalita na si G.Felicito E. Bihasa. Sa kanyang talumpati, ibinahagi niya ang kahalagahan ng wika sa ibat-ibang larangan na may kinalaman sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.

Sa pagdiriwang na ito, nabigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ipamalas ang kanilang pagmamahal, pagpapahalaga, at wastong paggamit ng sariling wika sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain at patimpalak na aktibo nilang nilahukan. Nagkaroon ng mga patimpalak tulad ng pagsulat ng sanaysay, paggawa ng poster at islogan, tagisan ng talino, balagtasan, masining na pagkukwento, pag-awit at katutubong sayaw kung saan naipamalas ng mga magaaral ang kanilang abilidad, galing at talento.

Ang programa at pagdiriwang ngayong taon ay pinangunahan ng Pamunuan ng Sentro ng Wika at Kultura sa pamumuno ni Dr. Rowell G. Olila, Samahan ng mga Nagdadalubhasa sa Filipino at mga dalubguro sa Filipino.

Maligayang pagbati sa lahat ng mga nagwagi sa ibat-ibang patimpalak na ginanap!

ok