Espesyal ang mga pagkakataon na magawi ang isang kapita-pitagang Pambansang Alagad ng Sining sa ating probinsya; na hindi lamang bilang isang bisita kundi tagapagsanay at tagapagsalita . Mapalad ang ating lalawigang Aurora, tayo ay nagkaron ng opportunidad sa katauhan ni Virgilio Almario. Ito ay sa pamamagitan ng Komisyon ng Wikang Filipino ng Aurora State College of Technology.
Si Kgg. Virgilio Almario, mas kilala rin sa kanyang alyas panulat na “Rio Alma”, dalawa pang dalubhasang propesor na sina Dr. Edgar C. Samar, at Gng. Lourdes Zorilla Hinampas at iba pang kasamahan ay sumadya sa Aurora State College of Technology Mayo 13- 15, 2016 para magbahagi ng kaalaman sa malaking populasyon ng mga guro at experto ng lingwistikang Filipino sa Aurora. Ang pagsasanay ay tinawag na USWAG 2016 : Pambansang Seminar at Pagsasanay sa Ortograpiyang Pambsansa, KWF Manwal Sa masinop na Paguslat at Korespondensyia Opisyal
Ang seminar at pagsasanay, na dinaluhan ng mahigit 50 na kalahok, ay naglalayong umunlad ang kaalaman at matukoy ang ng mga guro sa filipino at mother tongue at mga pagbabago sa bagong Ortograpiyang Filipino. Dagdag pa rito ang makakuha ng mga bagong mga pamamaraan sa masinop ng pagsulat, magamit ang wikang Filipino bilang Pambansang WIika sa Komunikasyon, Korespondesnya ng mga pampribado at Pampublikong tanggapan lalot higit sa tanggapang pang-gobyerno. Sa pangkalahatan ang hangad ng pagsasanay na Umigting ang kamalayan ng mga kalahok sa kahalaghan ng wika.
Nagsimula ang programa bandang ikawalo ng umaga sa pambungad na pananalita ni Dr. Ma Luz Cabat, pangalawang pangulong pang-akademiko. Dumalo rin sa espesyal na kaganapan ang muling halal na Gobernador ng Aurora. Mainit ang naging pagtanggap ni Gob Gerry sa mga bisita at kalahok. Sinaad niya ang mataimtim niyang pagsuporta sa layon ng KWF at bilang katunayan nangako sya na agad agad syang pagpapalabas ng sirkular na nagbibiling gamitin ang Filipino sa mga korespondensya ipisyal sa tanggapan sa lalawigan ng aurora (at sya naman niyang pinanindigan nito lamang nito lamang Mayo 16).
Nagdagdag kulay sa okasyon ang Rondalla de baler na naghandog ng musikang pambungad , isang estudyate ng Mount Carmel College naman ang nahandog ng pagtatanghal para sa bilang parangal sa tala ng Baler at ina ng Lalawigan , Doña Aurora Aragon-Quezon.
Tatlong mahahalagang paksa ang binigyan pagpapahala, Paksa 1: Ortograpiyang Pambansa na hinandog ni Kgg. Virgilio S. Alamario, National Artist, Tagapangulo, KWF, Paksa 2: KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat ni Dr. Edgar C. Samar mula sa Ateneo de Manila University at Paksa 3: Korespondensiya-Opisyal naman ni Gng. Lourdes Zorilla Hinampas, OIC Sangay ng literatura sa Araling Kultural (SLAK).
Bawat Paksa ay may kaayon na aktibidad para mahasa at maiaplay ang mga natutunan na sya namang ikanatuwa ng mga kalahok, lalo ang mga gawaing grupo.
Ginanap ang pagtatapos ng pagsasanay tanghali ng Mayo 15. Nagkaroon ng paglalagom ng mga pinaksa, pagpapakilala ng mga gawain at programa ng KWF, at ang pinakahihintay na paggawad ng mga sertipiko
“Punong-puno ng aralin ang mga gawain. Salamat sa mga kaalmang hindi pinagdamot ng mga panauhin. “ – wika ni Albertine Ramos De Juan Jr sa kanyang paglalagum.
Ang mabungang pagsasanay, sa pangunguna ng masipag na Bagong Direktor ng Komisyong ng Wikang Filipino ng kolehiyo na si Dr. Rowel G. Olila ay may rehistrasyon na lamang ng 2500 pesos.
Sumubaybay po lamang para sa iba pang aktibidad na ihahandog ng ASCOT.