https://www.facebook.com/klgromas/videos/484789528542900/Bilang paggunita at pagbibigay pugay sa Wikang Fililipino at sa mayaman nitong kultura, makulay na idinaos sa kolehiyo ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may tema para sa taong ito na, “Filipino Wikang Mapagbago”.Ito ay mahusay na inilahad ng panauhing tagapagsalita na si G. Albertine R. de Juan, Jr. Sa kanyang talumpati, ibinahagi niya ang kahalagahan ng wika sa ibat-ibang larangan na siyang magiging daan sa mga pagbabago tungo sa kaunlaran.
Kabahagi ang mga mag-aaral at kaguruan ng Kolehiyo sa ibat-ibang panayam at patimpalak na isinagawa noong Agosto 24-25, 2017 na siyang nagbigay kahulugan sa pagdiriwang ng buwan ng wikang Filipino. Kasama sa mga paksa sa ginawang panayam ay ang Kasaysayan at Kahalagahan ng Wikang Filipino na pinangunahan ni Bb. Glenda Nad, Ang Filipino sa DepEd Curriculum sa Ilalim ng K-12 Program ni Gng. Remedios V. Soliven, Ang Filipino sa Bagong General Education ng CHED at ang Gampanin ng Tanggol Wika hinggil dito ni Prof. Baby Jean VC. Jose at Hamon sa mga Guro at Mag-aaral tungo sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino bilang Gamit sa Pananaliksik ni Dr. Rowell Olila. Layunin ng pagdiriwang na mapaigting ang paggamit ng wikang Filipino sa matuwid at mabisang pagpapahayag at komunikasyon tungo sa mga pagbabago para sa kaunlaran.
Sa pagdiriwang na ito, nabigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ipamalas ang kanilang pagmamahal, pagpapahalaga, at wastong paggamit ng sariling wika sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain at patimpalak na aktibo nilang nilahukan.
Maligayang pagbati sa lahat ng mga nagwagi sa ibat-ibang patimpalak na ginanap!