Ang bawat pagtalakay ay naging interaktibo, hindi lamang ito nagmula sa kung ano ang inilahad ng mga Tagapanayam bagkus ay nakisangkot din ang mga dumalo at lumahok sa parehong face-to-face at zoom. Binuksan din ang pagkakaroon ng malayang talakayan upang magkaroon ng mga paglilinaw at pagtugon sa mga katanungan ng mga dumalo.
Sinuyod at muling binuhay ng unang Tagapanayam ang makulay na Panitikang Pilipino ?kasama noon ang paglalahadng mga mearapat na itama ukol sa pagbuwag amaling mga paniniwala sa kasarian. At hindi lamang sa mga naisulat na panitikan ito natalakay, naisama maging ang mga naisapelikula, awit, tula, at ang mga modernong paraan ng pagpapalaganap ng Panitikan. Matapang na ibinahagi ng Tagapanayam ang pagputol sa mga maling nakasanayan.
Maituturing namang napakaganda ng pangalawang paksa dahil inihain nito ang samo’t saring kabuluhan ng pananaliksik. Mula sa mga paaralang bukas sa pagtanggap at pagbibigay ng insentibo. Inilagak din ng Tagapanayam ang mga pamamaraan upang mabuo ng isang mahusay at kapaki-pakinabang na panarnaliksik kung saan ay nagbigay siya ng ilang mga estratehiya para sa mga lumahok. Naisama naman billang halimbawa ng mga kaabang-abang na pananaliksik ang ilang mga nadepensahang pamagat ng pananaliksik ng mga mag-aaral ng SoEd.
The Aurora State College of Technology is looking for an Instructor III under the School of Arts & Sciences(with Plantilla position SG-14)