Ang tertulyang pangwika ay pomal na sinimulan sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang. sinundan ito nang taimtim at pagluluwalhati sa Poong Maykapal. Ang mga mensahe mula sa tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Atty. Marites A. Barrios-Taran, at ang direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK-ASCOT), Bb. Angelica A Vallejo, ay naglalaman ng panghihikayat na pagyamanin at pahalagahan ang pamanang lahi, lalo na sa mga kabataan. Inspirasyon din ang mga pahayag nina Dr. Renato G. Reyes, Pangulo ng Aurora State College of Technology, at Dr. Mayreen V Amazona, Pangalawang Pangulong Pang-akademiko, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagpapatuloy at pagpapalaganap ng wikang Filipino at ng mga katutubong wika ng ating bansa.
The Aurora State College of Technology is looking for an Instructor III under the School of Arts & Sciences(with Plantilla position SG-14)