Ang bawat pagtalakay ay naging interaktibo, hindi lamang ito nagmula sa kung ano ang inilahad ng mga Tagapanayam bagkus ay nakisangkot din ang mga dumalo at lumahok sa parehong face-to-face at zoom. Binuksan din ang pagkakaroon ng malayang talakayan upang magkaroon ng mga paglilinaw at pagtugon sa mga katanungan ng mga dumalo.