Agosto 23, 2024 – isinagawa ang pagbubukas ng Wash n’ Go! Livelihood Program sa Aurora State College of Technology (ASCOT). Ito ay pinangunahan ng mga opisyal mula sa Hospitality Management at Tourism Management.
Ang ‘Wash n’ Go’ ay isang bagong proyektong pangkabuhayan ng School of Arts and Sciences (SoAS) na sinusuportahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglaan ng P500,000 para sa proyekto. Bukod dito, nagbigay din ang Proponent ACP/Benificiary ng karagdagang P185,000.
Sa kanyang pambungad na pananalita, ipinahayag ng pangulo ng ASCOT na si Dr. Renato G. Reyes na ang layunin ng programang ito ay higit sa lahat para sa kapakanan ng mga estudyante. Nagbigay din ng suporta si Ms. Jelyn E. Abella, OIC ng DOLE Aurora Field Office, na nagpatunay na ang proyektong ito ay nagbibigay ng mahalagang praktikal na karanasan sa mga estudyanteng interesado sa pagnenegosyo.
Ang matagumpay na pagbubukas ng Wash n’ Go! Livelihood Program sa ASCOT ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapalakas ng mga oportunidad para sa mga estudyante. Ang suporta mula sa DOLE pati na rin ang dedikasyon ng pamunuan ng ASCOT, ay nagbibigay ng konkretong halimbawa ng pangako sa pag-unlad ng edukasyon at kabuhayan sa komunidad.
Isinulat ni: Arnold Monteverde