Agosto 27, 2024 — Ang Aurora State College of Technology School of Engineering ay matagumpay na nagdaos ng kanilang pangkalahatang oryentasyon para sa mga mag-aaral. Ito ay may temang “Designing Tomorrow: Engineering for a Better World” sa ASCOT Gymnasium, Zabali Campus.
Sa kaniyang pambungad na pananalita, binigyang-pugay ng Dekano ng School of Engineering na si Engr. Alking B. Gorospe, PhD, ang mga naging bahagi at nakibahagi sa programa. Nagbigay din sina Gng. Ma Luz F. Cabatan, PhD, ang Vice President for Academic Affairs at Engr. Oscar C. Barawid, Jr. PhD ang Vice President for Administration Planning and Finance ng pagpupuri at pasasalamat sa mga estudyanteng nagsilahok sa oriyentasyon.
Kasunod nito ay ang mensahe ng Pangulo ng kolehiyo, si Dr. Renato G. Reyes, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng samahan at pagkakaisa: “Sabay-sabay kayong pumasok sa School of Engineering, dapat sabay-sabay kayong lalabas. Huwag kayong mang-iiwan ng kasama. Lagi kayong magmamalasakit sa isa’t isa.”
Tinalakay ni Engr. Bonifacio Gempis, Jr. ang mga patakaran ng paaralan, kabilang ang Admission Policies, Retention Policy, SOE Qualifying Examinations, Course Repeat Policy, at Maximum Residency. Ipinakilala rin si Gng. Ampharo Roberta Espinosa mula sa GAD Unit na nagbigay kaalaman para sa pantay na oportunidad at pagkilala, habang si Gng. Glenda Gines mula sa Sentro ng Kultura at Wika ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa kanilang mga programa. Si Gng. Mardelyn Barrogo ay nagbigay ng detalye tungkol sa mga serbisyo ng School Library, samantalang si G. Mario B. Andres ay nagbigay ng update sa Security Force Unit Services. Nagbigay din si Gng. Genalyn C. Gudoy ng impormasyon tungkol sa School Clinic services.
Tinalakay ni Gng. Lorieflor C. Fabrigas, CPA ang RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, at pinayuhan ni Gng. Flordeliza S. Gutierrez, College Registrar, ang mga estudyante na maging marespeto, mag-aral ng mabuti, at tamasahin ang kanilang kolehiyo.
Sa pamamagitan ng isang video message, ipinaliwanag ni Gng. Alma S. Bayudan mula sa Student Affairs and Services ang iba’t ibang serbisyo ng OSA, kabilang ang Guidance and Counseling Services, scholarship programs, school clinic services, at iba pang aktibidad.
Ang kaganapan ay nagtapos sa turnover at panunumpa ng mga Student Organizations, kung saan ang mga bagong opisyal ay pormal na nanumpa sa kanilang mga tungkulin.
Isinulat ni Arnold Monteverde