Matagumpay na ipinagdiwang ang selebrasyon ng Buwan ng Wika 2023 ng Aurora State College of Technology (ASCOT) na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan,” ika-30 hanggang 31 ng Agosto, 2023.

Tampok ang mga patimpalak sa Pagsulat ng Sanaysay, On the Spot Poster Making, Pagkukuwento, Spoken Word Poetry, Vocal Solo, OPM Rap Song, Pop Duet, Indigenous Dance, at Modern TikTok Folk Dance na nilahukan ng mga estudyante at empleyado mula sa iba’t ibang paaralan (Departamento).

Sa huling araw, naging panauhing pandangal at nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Propesora Rosalinda C. Abulencia, Dekana ng Teacher Education Program, MCC Annex, Baler, Aurora. Ayon kay Bb. Abulencia: “Mahalagang isaalang-alang natin ang kawastohan ng paggamit sa wika upang maiwasan ang pagkakaroon ng magkaibang interpretasyon na maaaring mag ugat ng di pagkakaunawaan.”

Sa pagtatapos ng pagdiriwang nagpahatid naman ang direktora ng Student Affairs and Services na si G. Von Gerald D. Macose. “Ipagdiwang natin ang wikang Pilipino, sa mga araw na walang pagdiriwang. Ito ang tunay na pagmamahal.”-G. Macose

Nagtapos ang selebrasyon sa pag bibigay ng mga sertipiko ng pagkilala at pag partisipa ng mga kalahok at ang pag aanunsyo ng mga nagwagi sa mga patimpalak.