PARA: Sa Lahat ng Undergraduate Students
- Ang Implementasyon/ Pagpapatupad ng LIBRENG MATRIKULA sa Taong 2017 ay magsisimula na ngayong darating na pasukan, Unang Semestre ng Taong Panuruan 2017-2018.
- Ang lahat ng mga estudyante ay kinakailangang magpatala sa mga sumusunod na nakatakdang petsa:————————————————————————
Mayo 24, 2017UNANG PRAYORIDAD
Mga StuFAP na nakakatanggap ng:
- Higit sa Php 15,000 na taunang benepisyo
- Mas mababa sa Php 15,000 na taunang benepisyo
————————————————————————
Mayo 25, 2017
IKALAWANG PRAYORIDAD:
- Lahat ng estudyante ng ASCOT na nakaenrol o mag-eenrol ngayong darating na semestre.(Undergraduate Students)
IKATLONG PRAYORIDAD:
- Mga estudyanteng nagbabalik-eskuwela, hindi nag-enrol o nag-aral nitong nakaraang semestre.
- Mga estudyanteng mag-eenrol o mag-aaral pa lamang ngayong pasukan. (1st year students)
————————————————————————
Mayo 26, 2017
IKA-APAT NA PRAYORIDAD:
- Iba pang estudyante
- Ang lahat ng mga estudyante ay kinakailangang magpasa ng ORIGINAL o CERTIFIED TRUE COPY ng isa sa mga dokumento/papel sa petsa ng paunang pagpapatala bilang katibayan ng kita.
- Income Tax Return (ITR)
- BIR form 2316
- BIR Certificate of Exemption mula sa paghain ng ITR
- Barangay Certificate of Indigency
- Certification mula sa DSWD
- Overseas Filipino Worker (OFW) Certificate
- Employment Contract (OFWs)
Iba pang dokumentong nanggagaling sa gobyerno na katibayan ng kita ng miyembro ng pamilya na siyang responsable sa pagbibigay ng pinansiyal na suporta sa pag-aaral ng estudyante.
- Ang lahat ng mga estudyante ay kinakailangang magpasa ng ORIGINAL o CERTIFIED TRUE COPY ng isa sa mga dokumento/papel sa petsa ng paunang pagpapatala bilang katibayan ng kita.
- Lahat ng Undergraduate Students ay inaasahang susunod sa itinakdang petsa ng paunang pagpapatala, enrolment at magpapasa ng nabanggit na kinakailangang dokumento o papel.