Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), kasama ang Aurora State College of Technology – ASCOT at Sindayaw Performing Arts Guild, at sa malasakit ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran, itinatampok ang, HANDOG: Mga Sayaw Alay sa Aurora, isang makulay at makasaysayang pagtatanghal.

Huwag palampasin ang espesyal na pagtatanghal sa Disyembre 8, 2023, 4:30 PM sa Agricula Multi-Purpose Court, Casiguran Aurora. Ang kakaibang karanasan ng mga sayaw, kasama ang mga mag-aaral ng ASCOT at ang Sindayaw Performing Arts Guild, ay tiyak na magbibigay aliw at inspirasyon sa bawat isa.

Libre ang pagsali sa kaganapang ito! Para sa mga katanungan, magpadala ng mensahe sa Sindayaw Performing Arts Guild Facebook Page o mag-email sa sindayaw@ascot.edu.ph.

Ay, wadi! Kita kits sa Casiguran!

#Handog2023 #ASCOTSindayaw