Ika-29 Mayo 2024, PSAU (Audio-Visual Center)- Dumalo ang Aurora State College of Technology sa pangunguna ni Dr. Renato G. Reyes (Pangulo) kasama si Gng. Alma S. Bayudan, Direktor ng Student Affairs Services sa kauna-unahang Regional Summit para mga katutubong iskolar ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon.
May temang “Ihip, Daloy, at Sinag: Pagtatagpo ng Landa, Pagtahak sa Pangarap,” ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-30 Anibersaryo at ika-40 na taon ng pagdiriwang ng Araw ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon.
Kaakibat ang tema, layon ng programa na itampok ang magagandang bunga at epekto ng tulong pinansiyal na ipinagkaloob ng Komisyon sa mga katutubong mamamayan (IP) ng Gitnang Luzon.
Tampok sa programa ang mga natatanging kuwento ng tagumpay at inspirasyon ng mga katutubong mamamayan (IP) mula sa Gitnang luzon, dulot ng tulong pinansiyal na ipinagkaloob ng Komisyon sa mga ito.
Kinilala rin ang mahalagang papel at kontribusyon maging ng mga pamantasan, sa rehiyunal at pambansang kaunlaran.