Mga ASCOTians at Ka-bidahan!

Dalawang taon nang nagbibigay ng todo-todong balitaan, kaalaman, at serbisyo ang ASCOT ‘To! Todo na 2!

Kaya naman, para sa second anniversary special episode, malalaman natin ang mga sikreto sa likod ng ‘Radio Production’ ng inyong paboritong programa. Ibabahagi ni Diana, Program Producer/ Writer/ host ang mga ginagawa bago ito sumahimpapawid.

Magbibigay din ng special song number ang paborito nating ASCOTian singers na sina Liah Briney Mostoles, Trexcy May Pio, Christian Deocariza.

Abangan ngayon 8:30 n.u. hanggang 10:00 n.u. sa 92.1 RTV Baler at kasabay din mapapanuod sa live stream sa ASCOT Official Facebook Page.

Makinig. Matuto. Mag-enjoy! ASCOT ‘To! Todo na 2!