ASCOTians! Martes na naman bukas, kaya’t abangan ang bagong episode ng ASCOT To! -Episode 66: HATAW SINDAYAW!

Kasama ang mga mahuhusay na miyembro ng ASCOT Sindayaw Performing Arts Guild, sa pangunguna ng Artistic Director ng ASCOT Sindayaw at Direktor ng ASCOT Socio-Cultural Affairs Unit, Joshua D. Dela Cruz!

Kakabalik lamang mula sa matagumpay na pag-representa ng Pilipinas sa 2023 Yilan International Children’s Folklore and Folkgame Festival sa Yilan, Taiwan nitong July 25 hanggang August 16, 2023, hahataw naman sila ngayon sa ating programa!

Alamin ang kanilang mga naging karanasan at kwento tungkol sa kanilang paglalakbay sa ibang bansa, pati na rin ang kanilang mga kahusayan at pagkakaisa na naging inspirasyon sa lahat.

Tumutok bukas sa 92.1 RTV Baler, mula 8:30 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, at ASCOT Official Facebook page para sa live streaming.

Hataw sa suporta, ASCOTian!

#ascotto