Agosto 27, 2024 – Isang matagumpay na Pangkalahatang Oryentasyon ang isinagawa ng Aurora State College of Technology School of Forestry and Environmental Sciences, sa Amphitheater ng Ermital Hill.
 
Ang seremonya ay pinasimulan sa pambungad na pananalita ni Dr. RB J. Gallego, Dekano ng School of Forestry and Environmental Sciences. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Dr. Gallego ang kanyang kagalakan sa paglaki ng populasyon ng SFES, “Mayroon tayo ngayong 240 new students. Ito ay isang testamento ng patuloy na pagkilala ng ating komunidad sa ating kurso”, aniya.
 
Kasunod nito, ipinakilala ni Forester Mary Jane A. Marigmen ang mga guro at tauhan ng paaralan. Ibinahagi naman ni Forester Michelle A. Resueno ang mga milestone ng School of Forestry and Environmental Sciences. Samantalang tinalakay ni Forester Novelyn B. Bautista ang kurikulum at mga patakaran ng paaralan.
 
Sa pagtatapos ng oryentasyon, ipinakilala ang bagong set ng mga opisyal, mga aktibidad, organisasyon ng estudyante, at mga serbisyo para sa mga estudyante. Ang mga kinatawan ng mga organisasyon at serbisyo ay nagbigay ng impormasyon kung paano makikilahok ang mga estudyante sa mga extra-curricular na gawain at paano nila mapapabuti ang kanilang karanasan sa paaralan.
 
 
Isinulat ni Arnold Monteverde