Agosto 19, 2024—Masiglang nakibahagi ang pamunuan, mga empleyado, at estudyante ng Aurora State College of Technology (ASCOT) sa taunang pagdiriwang ng kapistahan ng Bayan ng Baler. Pinangunahan ni ASCOT President Renato G. Reyes ang delegasyon ng kolehiyo sa makulay na parada ng bayan at sa programa na isinagawa pagkatapos nito.
Ang programa ay dinaluhan ng mga kilalang panauhin, kabilang sina Kgg. Pedro M. Ong, Pangalawang Punong Bayan ng Baler; Col. Ariel O. Querubin PN (M) (Ret) mula sa Philippine Marine Corps; Kgg. Rhett Ronan T. Angara, Punong Bayan ng Baler; Kgg. Rommel Rico T. Angara, Kinatawan ng nag-iisang Distrito ng Aurora; at Kgg. Francisco Javier “Francis” M. Zamora, Punong Bayan ng Lungsod ng San Juan, na nagsilbing panauhing pandangal.
Tuwing Agosto 19, ipinagdiriwang din ng Bayan ng Baler ang kapistahan ng kanilang Mahal na Patron, si San Luis Obispo de Tolosa. Kasabay rin nito ang paggunita sa kapanganakan ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon, na kilala bilang “Tala ng Baler.”
Ang aktibong partisipasyon ng ASCOT sa mga ganitong okasyon ay patunay ng kanilang suporta at pakikiisa sa lokal na komunidad.
Isunulat ni: Patrick Sotero