ASCOT News

BALITA: Paglagda sa Kasunduan sa Pagitan ng ASCOT at Bongs’ Tilapia Hatchery para sa Pagrenta ng Palaisdaan

Agosto 6,  2024 – Nagkaroon ng kasunduan ang Aurora State College of Technology (ASCOT) at Bongs’ Tilapia Hatchery para sa pagpaparenta ng mga fish ponds sa ASCOT Bazal Campus.
 
Pumirma sa kontrata sina ASCOT President Dr. Renato G. Reyes at Ginoong Edgardo S. Esperagante ng Bongs Tilapia Hatchery. Ang kontrata ay nagsasaad na ang mga pauupahang lugar, na may sukat na 10,000 metro kuwadrado, ay gagamitin lamang para sa mga layuning pang-agrikultura.
 
Ang kasunduan ay may bisa sa loob ng isang taon at nagkakahalaga ng limang pung libong piso (PhP 50,000.00).
Saksi sa paglagda ng kasunduan sina Bise Presidente para sa Administrasyon, Pagpaplano, at Pananalapi ng ASCOT Engr. Oscar C. Barawid, Jr. PhD, Bise Presidente para sa Akademikong Usapin at Dekana ng School of Agriculture Dr. Ma Luz F. Cabatan, Direktor ng Income Generating Project/ College Librarian III Mardelyn B. Barrogo, Deputy Dean ng School of Agriculture and Aquatic Sciences Rioshalie Y. Madrid, DVM at ng Campus Administrator Oliver Ian Abordo.
 
Isinulat ni: Aeron Monteverde
Larawan ni: Mardelyn Barrogo
 
 

				

APPLY NOW

The Aurora State College of Technology is looking for an Instructor III under the School of Arts & Sciences(with Plantilla position SG-14)