ASCOTians! Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng mahusay at kalidad na serbisyo ng ating kolehiyo sa ating mga estudyante, stakeholders at buong komunidad nito! Anu-ano nga ba ang mga hakbang pa para ang kalidad ng serbisyo sa kolehiyo, sigurado?

Ating makakasama ang Director ng Quality Assurance Office na si Prof. Annie R. Capin upang talakayin ang mga panibagong updates sa kanilang opisina at kung paano ito nakakatulong sa pagbibigay ng magandang serbisyo ng ating kolehiyo.

Para naman sa Tatak ASCOTian segment, ipapamalas sa atin ni Riyen Dolores mula School of Education ang kanyang husay sa creative spoken poetry matapos magkamit ng unang gantimpala sa kakatapos pa lamang na Creative Spoken Poetry Competition sa Gawad Aninag 2023.

Abangan ang ating kwentuhan ngayong Martes (May 30) 8:30 AM hanggang 10:00 AM sa 92.1 RTV Baler; sabay din itong mapapanuod sa Facebook Live ng Aurora State College of Technology facebook page. #ASCOTTodoTodo